Panatang Makabayan
"Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa." Panatang Makabayan, pinakabisado sa atin to mula elementarya hanggang hayskul. Napakaganda ng mensahe pero naisasapamuhay ba natin? Sa isip Nag-iisip pa ba tayo ng kapakanan ng ating bayan o sa pansariling interes na lang? Maraming mga Pilipino na kapag nakakakita ng mga matatagumpay na kababayan nila ay madalas may mga negatibo pa rin silang nasasabi. Halimbawa na lamang ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao, noong nasa rurok pa siya ng boksing ay sobrang daming sumusuporta sa kanya ngunit ngayon na humihina na siya, marami na siyang kritiko na maraming negatibong bagay na sinasabi sa kanya. May mga kababayan din tayo na mas iisipin ang sarili kaysa sa bayan. Pinakamagandang halimbawa na lamang dito ay ang kwento ni Andres Bonifacio. Pinapatay ng kapwa Pilipino dahil may mga taong ganid sa kapangyarihan o mataas na posisyon na gustong alisin siya sa mataas na...