Renzo Ramel: Ang Ating SK Kagawad


Sino ba si Renzo Ramel?




Ako po si Renzo Ramel, ipinanganak noong ika-7 ng Disyembre taong 1995, dalawampu’t dalawang taong gulang(22 years old) at ako po ay tubong Marulas. Ako po ay nakapagtapos ng elementarya sa Marulas Christian School, at sekondarya naman sa Valenzuela City Science High School o mas kilala ngayon bilang Valenzuela City School of Mathematics and Science. Nakapagtapos po ako sa kursong Bachelor of Science in Information Systems sa University of Santo Tomas.



“Kabataan ang pag-asa ng bayan.” 

Yan po ay isang napakabigat na salita na binitawan ng ating pambansang bayani, Dr. Jose Rizal. Ayon po sa aking survey na ginawa noong 2015(http://enzoramel.blogspot.com/2017/08/pinoy-speaks-what-do-you-think-of-our.html), marami sa ating mga kababayan ang naniniwala na mas lalo pang uunlad at gaganda ang ating bansa. Kaya po bilang miyembro ng kabataan, ako po ay naglalayon na maging SK Kagawad dito sa ating Barangay Marulas sa ilalim ng aming SK Chairman Karla Fajardo at sa ilalim ng pamumuno ng ating Kapitan Adelma “Adele” Gunigundo. Ang pagiging SK Kagawad ay isang malaking responsibilidad ngunit itong responsibilidad na ito ay aking handang gampanan dahil alam ko po na ito ay makakatulong sa ating bansa.



1) Job Fair



Isa sa mga suliranin ng mga kabataan at lalo na ng mga fresh graduates ay paghahanap ng trabaho, at dahil dito patuloy ang paglobo ng unemployment rate sa ating bansa. Bilang SK Kagawad na nakatalaga sa ating livelihood program, ipapanukala ko po na magkaroon ng JOB FAIR sa ating barangay para tulungan mabawasan ang unemployment at magkatrabaho ang mga tao.



2) Entrepreneurship Seminars



Pangalawa, naniniwala po ako na hindi lahat ng tao ay gustong maging empleyado, ang iba ay gusto magnegosyo. Ang pagnenegosyo ay isa rin paraan para mapuksa ang kahirapan sa bansa. Magkakaroon po tayo ng ENTREPRENEURSHIP SEMINARS nang sa gayon ay maturuan at magabayan ang mga kabataan sa larangan ng pagnenegosyo.


3) Financial Literacy Talks



Pangatlo, gusto ko rin po na turuan ang mga kabataan kung paano humawak ng pera, kung saan at paano maginvest dahil marami po sa ating mga kabataan ay sobra-sobra kung gumastos kaya madalas ay di nakakaipon at kung minsan pa ay nababaon sa utang. Bilang SK Kagawad at Financial Advisor, nais ko rin po magkaroon ng FINANCIAL LITERACY TALKS sa ating mga kabataan, para po kahit bata pa lamang sila ay marunong na sila humawak ng pera


Yan po ang aking mga adhikain na sana po ay nagustuhan ninyo. At kung nagustuhan niyo po, ako po ay humihingi ng tulong at suporta sa inyo dahil hindi ko po ito magagawa kung wala kayo. Ako po si Renzo Ramel, Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa na naglalayon maging SK Kagawad ng ating barangay. Maraming salamat po!


Kuhang larawan ni/mula sa:
  • https://i.ytimg.com/vi/Xe61FrBrcbo/maxresdefault.jpg
  • https://www.feu.edu.ph/manila/index.php/take-job-fairs-seriously-students-told/
  • https://www.garyvaynerchuk.com/the-ambition-of-a-human-based-company/

Comments

Popular posts from this blog

How Fitness Changed My Life

Panatang Makabayan

Know Yourself